Gustong magbagong-buhay, 65 NPA sumuko

@Balitang Probinsiya | November 19, 2020
SULTAN KUDARAT—Animnapu’t limang miyembro ng New People’s Army (NPA) na gustong magbagong-buhay ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan Senator Ninoy Aquino.
Hindi na pinangalanan ang mga sumukong NPA para sa kanilang seguridad.
Napag-alamang isinuko rin ng mga terorista ang mga dala nilang armas, pampasabog at subersibong dokumento sa 27 Infantry Battalion ng Philippine Army (PA).
Ayon sa mga sumukong NPA, gusto na nilang magbagong-buhay at tanggapin ang mga alok na livelihood program ng pamahalaan kaya sila sumuko sa gobyerno.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong terorista upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments