top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Guro tumalon sa rooftop, dedbol

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 9, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | January 9, 2021



CAGAYAN DE ORO CITY—Patay ang isang guro nang tumalon ito sa rooftop ng isang paaralan sa Corrales Avenue.


Ang biktima ay nakilalang si Ian Oreg, guro ng Asia Business Cooperative Academy sa naturang lungsod.


Sa imbestigasyon ng pulisya, napuna umano ng mga kasamahang guro ni Oreg na mistulang balisa ang biktima hanggang sa makita nilang umakyat ito sa rooftop ng eskuwelahan.


Inakala umano ng mga kasamahang guro ni Oreg na magpapahangin lang ang biktima, pero laking gulat nila nang bigla itong tumalon at pagkabagsak sa sementadong compound ay agad itong namatay.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page