Guro, timbog sa shabu

@Balitang Probinsiya | January 22, 2021
CAMARINES SUR—Isang guro ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Tagontong, Goa.
Ang suspek ay nakilalang si Melvin Bumanglag, public school teacher at residente sa nasabing barangay.
Nabatid na naaresto ng mga awtoridad ang suspek nang salakayin ang bahay nito at makumpiskahan ng shabu.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng walong pakete ng shabu sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments