Guro, sugatan sa semplang
@Balitang Probinsiya | November 9, 2021
CAPIZ--Isang lalaking guro ang sugatan nang aksidenteng sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Salocon, Panitan.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Aljun Bade, 27-anyos, nakatira sa Bgy. Marita, President Roxas sa nasabing lalawigan.
Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang guro sa pagmamaneho ng motorisklo kaya sumemplang ito sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba't ibang parte ng katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital.



Comments