top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Guro, pinagtataga ng kuya

Writer: BULGAR
BULGAR
May 24, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 24, 2023


CAMARINES SUR—Isang 39-anyos na guro ang sugatan nang tagain ng kanyang nakakatandang kapatid kamakalawa sa Brgy. Penafrancia, Naga City sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktimang nagtamo ng taga sa magkabilang braso na si Dennis Orea, samantalang ang suspek ay ang kuya nitong si Nimuel, 50-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid na humantong sa pananaga ng suspek sa biktima.


Matapos ang pananaga ay nagtangkang tumakas si Nimuel, ngunit mabilis siyang naaresto ng mga nagrespondeng awtoridad.


Kasalukuyan pang ginagamot sa ospital ang biktima, samantalang nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page