Guro, nagbigti sa bahay
@Balitang Probinsiya | April 25, 2021
ISABELA—Isang guro ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti sa loob ng kanilang bahay kamakalawa sa Tumauini.
Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima.
Nabatid na ang kasambahay ng guro ang nakatagpo sa nakabiting bangkay ng biktima sa loob ng kanilang tahanan.
Kaagad ini-report ng kasambahay sa pulisya ang pagpapakamatay ng biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.



Comments