Gunrunner, timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | June 22, 2023
ALBAY -- Isang gunrunner ang nadakip ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Bitano, Legazpi City sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Samuel Mendina, nasa hustong gulang at nakatira sa Bgy. Capantawan sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, nang mabatid na nagbebenta ng baril si Mendina ay agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad at nadakip ang suspek na nakumpiskahan ng isang baril at mga bala.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin ng mga awtoridad.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments