Gunrunner timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | December 16, 2022
ALBAY—Isang gunrunner ang nadakip ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. San Roque, Legazpi City.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ng pulisya.
Ayon sa ulat, nang malaman ng pulisya na nagbebenta ng baril ang suspek ay agad nagsagawa ng buy-bust operation, kaya nadakip ang gunrunner na nakumpiskahan ng .45 pistola, mga bala at sachet ng shabu.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang barangay.



Comments