top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Gunrunner timbog sa buy-bust

BULGAR
Oct 26, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 26, 2022


NUEVA VIZCAYA—Isang pahinante ang namatay at sugatan naman ang dalawa pang katao nang aksidenteng bumangga ang kinalululanan nilang delivery van sa likurang bahagi ng trak kamakalawa sa Bgy. Magsaysay, Bayombong.


Ang nasawi ay kinilalang si Leo Pagaduan, 28-anyos, tubong Bulacan, samantalang ang mga sugatan ay ang driver ng delivery van na si Erwin Sanchez, 31-anyos at isa pang pahinante na si Amadeo Rios, 24-anyos, kapwa tubong Quezon.


Ayon sa ulat, sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang driver ng delivery van sa pagmamaneho, kaya bumangga ito sa likurang bahagi ng trak na minamaneho naman ni Jerwin Lopez, tubong Isabela.

Nabatid na nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang mga biktima at nang dalhin sila ng mga saksi sa pagamutan ay idineklarang dead-on-arrival si Pagaduan.


Napag-alamang sinampahan na ng pulisya si Rios ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, double physical injury and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page