Gunrunner na sundalo, arestado
- BULGAR
- Dec 15, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 15, 2021
CEBU—Isang gunrunner na sundalo ang inaresto ng pulisya sa naganap na buy-bust operation kamakalawa sa parking lot ng Camjp Lapu-Lapu, Cebu City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na Sgt. Cristobal Pantoja, nakatalaga sa 7th Regional Community Defense Group ng Philippine Army (PA).
Ayon sa ulat, nang malaman ng pulisya na nagbebenta ng baril si Pantoja ay agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad kaya nadakip ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng tatlong .45 pistola, tatlong rifle at mga bala sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong 6-counts ng illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments