Gunrunner, dedbol sa shootout

@Balitang Probinsiya | January 22, 2021
PAMPANGA—Isang gunrunner ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa San Fernando City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Edison Paras, nakatira sa Bgy. Dolores sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya si Paras sa buy-bust operation, pero biglang pinagbabaril ng gunrunner ang mga awtoridad.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang pulisya dahilan kaya napatay ang suspek.
Nakarekober ang pulisya ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.



Comments