Gumahasa sa paslit, tiklo

@Balitang Probinsiya | January 21, 2021
NEGROS OCCIDENTAL—Isang lalaking gumahasa sa 8-taong gulang na batang babae ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Nanonga, Hinigaran.
Ang suspek ay nakilalang si Valentino Sanong, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong panggagahasa sa bata.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Sanong kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.
Hind na nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga tauhan ng pulisya sa nasabing barangay.



Comments