top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Gumahasa sa pamangkin, natiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
May 28, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 28, 2023


ILOILO—Isang wanted na manyakis na gumahasa sa kanyang pamangkin ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang bahay sa Jaro District, Iloilo City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.


Napag-alaman na dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong panggagahasa sa kanyang menor-de-edad na pamangkin.


Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pulisya na umuwi ang suspek sa kanyang bahay kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang manyakis.


Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page