Search
  • BULGAR

Guidelines sa angkas na mag-asawa sa motor, madaliin na

@Editorial | June 26, 2020



Kasunod ng anunsiyo na makakabalik-pasada na ang mga UV Express at tradisyunal na jeep ay patuloy pa rin ang apela na payagan na ang angkas na mag-asawa o magkamag-anak sa motorsiklo.


Matatandaang una nang sinabi ng Palasyo na pahihintulutan na pag-angkas at safety guidelines na lamang ang hinihintay. Ang tanong, kelan kaya ito ilalabas?


Sana ay matapos ang nasabing panuntunan upang magkaroon naman ng mas accessible na paraan ng pagbiyahe sa gitna ng pandemic.


Marami pa ring manggagawa ang hirap bumiyahe partikular ang mga mag-asawa. Ilang larawan at videos na ang nag-viral sa social media kung saan, matiyagang nagbibisikleta ang mga ito. Meron ding naka-motor si mister habang naka-bike naman si misis na kapwa ilang oras ang ginugugol sa kalsada bago makarating sa trabaho.


Sa totoo lang, mahirap ipilit ang social distancing sa mga mag-asawa, nagsasama o magkamag-anak lalo’t kung sa iisang bahay lang naman sila umuuwi.


Una nang hinirit na puwede namang hingan ang magkaangkas ng requirements tulad ng marriage certificate o barangay certificate bilang patunay sa kanilang relationship status.


Kung may mga pasaway pa rin na lulusot ay puwede namang sampolan nang matindi-tindi nang hindi pamarisan.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.