top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Groom, patay sa COVID-19 matapos makahawa ng 100 wedding guests

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5, 2020
  • 1 min read

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 5, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Isang “biggest infection chain” ang naganap sa kasalang dinaluhan ng 360 katao kung saan 113 ang nagpositibo sa Covid-19 sa India.


Ayon sa ulat, mayroong diarrhea at mataas na lagnat ang groom, 30 years old software engineer, ilang araw bago maganap ang kasalan.


Saad pa ng ilang kamag-anak nito, nais niyang iurong ang kasal ngunit tinutulan ito ng kanyang pamilya. Uminom diumano ang groom ng paracetamol upang maituloy ang kasal.


Pagkalipas ng dalawang araw, June 17 ay pumanaw ito. Hindi naman kasama ang bride sa 113 kataong nagpositibo sa virus. Karamihan sa mga nagpositibo ay kamag-anak ng groom at asymptomatic.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page