Granada nahukay sa ginagawang bahay
- BULGAR
- May 4, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 4, 2022
BATANGAS – Isang granada ang nahukay sa isang ginagawang bahay kamakalawa sa Sto. Tomas City sa lalawigang ito.
Ang granadang narekober ay nahukay sa bahay na ginagawa sa Bgy. San Pedro sa nasabing lungsod.
Ayon sa hindi pinangalanang construction worker ay naghuhukay siya sa lupa nang makita niya ang granada.
Nabatid na agad itong ini-report ng construction worker sa himpilan ng pulisya.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng mga awtoridad ang nahukay na granada at inaalam na kung sino nagbaon nito sa nasabing lugar.



Comments