top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Grade 12 student hinoldap na, sinaksak pa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 5, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 5, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang binatilyong Grade 12 student ang sugatan nang saksakin ng isang hindi kilalang holdaper kamakalawa sa Brgy. To-oy, Himamaylan City sa lalawigang ito.


Ang biktima na nagtamo ng malaking sugat sa ulo at saksak sa katawan ay itinago ng pulisya sa alyas na "Totoy," 17, at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, habang nakaupo si "Totoy" sa bangketa sa nasabing lugar at naglalaro ng video games gamit ang kanyang cellphone ay bigla itong pinalo ng suspek ng bote sa ulo at pagkaraan ay sinaksak ito sa tiyan at saka kinuha at tinangay ang cellphone ng biktima.


Matapos ang pananaksak kay "Totoy" ay mabilis na tumakas ang suspek, samantalang dinala naman ng mga residente ang biktima sa ospital.


Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page