top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Government employee, dapat tunay na public servant

BULGAR
Jul 15, 2022
1 min read

@Editorial | July 15, 2022


Mahigit 100 ahensya ng gobyerno ang planong isaayos.


Hihilingin umano ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso na mabigyan ng authority si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para sa “rightsizing” upang makaipon ng P14.8 bilyong pondo kada taon. Ang halagang ito ay maaari umanong ire-allocate sa ibang priority projects gaya ng imprastruktura, social services, health at agriculture.


Nasa 187 mga ahensya, departamento, opisina at bureaus kabilang ang government-owned and controlled corporations (GOCCs) na hindi sakop ng GOCC Governance Act ang tinitignan na may pareho lamang o overlapping na mga tungkulin.


Kaugnay nito, nasa dalawang milyong empleyado ng gobyerno ang maaapektuhan, subalit hindi kabilang ang mga empleyado sa sektor ng edukasyon, medical at allied health services at military at uniformes personnel.


Tiniyak naman na ang mga maaapektuhan o mawawalan ng trabaho ay maaaring mag-apply sa bagong posisyon na bubuksan naman ng gobyerno sa ilalim ng rightsizing program.


Hindi talaga maiiwasan ang mga pagbabago dahil bahagi ito ng pag-unlad. Umaasa tayo na ang mga matatanggal sa puwesto ay mabigyan pa rin ng pagkakataon na makapaghanapbuhay, lalo na kung karapat-dapat naman na manatili sa gobyerno. Sila namang mga pasaway, tuluyan na sanang maalis at nang mapalitan ng mga tunay na public servant.


Ang pagtatrabaho sa pamahalaan ay pagkakataon hindi lang para kumita ng pera kundi higit dito ay ang makapaglingkod sa ating mga kababayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page