top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Gov’t. employee, todas sa riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 26, 2024

COTABATO CITY -- Isang government employee ang namatay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Gov. Gutierrez Avenue sa lungsod na ito.

 

Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Sulaiman Macabangon, nasa hustong gulang, kawani ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) at residente ng Maguindanao del Norte.

 

Ayon sa ulat, habang nakaupo si Macabangon sa nakaparada niyang kotse sa nasabing lugar ay biglang sumulpot ang mga suspek na lulan ng isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.

 

Matapos tiyaking patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang mga salarin. 

 

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page