Ginang todas sa motor
@Balitang Probinsiya | March 8, 2023
CAVITE--Isang ginang ang namatay nang aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Sahud-Ulan, Tanza sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Vanessa Pamindalan, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang tumatawid sa kalsada si Pamindalan ay aksidente itong nabangga ng motorsiklong minamaneho ni Joselito Mayoral, nakatira sa nabanggit na lalawigan.
Napag-alaman na nagtamo ng malaking pinsala sa ulo ang biktima na naging dahilan kaya ito namatay.
Kusang sumuko naman sa pulisya si Mayoral na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.



Comments