Ginang tinodas ng 2 armado
- BULGAR

- Dec 21, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 21, 2020
QUEZON—Isang 53-anyos na ginang ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Lucena City.
Ang biktimang nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Susan Constantino, residente ng Bgy. Gulang-Gulang sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, habang naglalakad si Constantino ay biglang sumulpot ang dalawang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.
Kaugnay nito, nagpalabas na rin ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga salarin.



Comments