top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Ginang, tepok sa kuryente

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 10, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 10, 2023



Capiz -- Isang 50-anyos na ginang ang namatay nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Cabugao, Roxas City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Andra Eribal, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, naglalakad si Eribal sa nasabing lugar nang masagi nito ang isang live wire na nakalaylay kaya nakuryente ang biktima.


Agad na dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Sa ngayon ay inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng nakalaylay na live wire para papanagutin sa pagkamatay ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page