@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 3, 2024
AKLAN -- Isang ginang ang sugatan nang batuhin ng tasa ng kanyang stepson kamakalawa sa bayan ng Kalibo sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng kanilang pamilya ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktimang nasa hustong gulang at ang 30-anyos na suspek, kapwa residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, umuwing lasing ang suspek at nang wala itong makitang pagkain sa kanilang bahay ay nagwala ito hanggang kumuha ito ng tasa at ibinato sa biktima na tinamaan sa mukha. Dahil dito, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang ginang at inireklamo ang kanyang stepson na anak ng live-in partner.
Agad rumesponde ang mga otoridad at inaresto ang suspek na nahaharap sa kasong physical injury.
Comments