top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Ginang, pinatay ng kawatang bagets

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 9, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 9, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 43-anyos na ginang ang namatay nang pagsaksakin ng isang binatilyong magnanakaw kamakalawa sa Bgy. Quezon, San Carlos City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Amostiola Cabugnason, samantalang hindi na pinangalanan ang binatilyong suspek na edad 16 na residente rin sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nilooban ng binatilyo ang bahay ni Cabugnason at nang makita ng biktima ang suspek ay sinita niya ito, at dahil dito ay pinagsasaksak ng salarin ang ginang.


Matapos ang pananaksak, saka mabilis na tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng mga rumespondeng tauhan ng pulisya.


Dinala pa ng kanyang mga kapitbahay ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page