Ginang, natagpuang patay sa bahay
@Balitang Probinsiya | August 3, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 54-anyos na ginang ang natagpuang patay kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Punta Mesa, Manapla sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Virgie Sabordo, nakatira sa nabanggit na barangay.
Napag-alaman na mismong ang mister ng biktima ang nakatagpo sa duguang bangkay ng ginang na may isang tama ng saksak sa katawan.
Sa ngayon, inaalam na ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa biktima.
Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad para madakip ang salarin.



Comments