top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ginang, nagbigti

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 23, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 23, 2023


QUEZON—Isang ginang ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili, kamakalawa sa loob ng kanilang tahanan sa Bgy. Mapagong, Pagbilao sa lalawigang ito.


Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ang biktimang 33-anyos at residente ng naturang barangay.


Nabatid na ilang kamag anak ng biktima ang nakatagpo sa nakabiting bangkay ng ginang.


Ayon sa pamilya ng biktima ay wala silang alam na dahilan para magpakamatay ang ginang.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page