Ginang nadukutan, natangayan ng P11k cash
@Balitang Probinsiya | August 2, 2022
AKLAN—Isang ginang ang nadukutan at natangayan ng P11,000 cash sa loob ng grocery store kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Banga.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Alma Gumban, 46-anyos, nakatira sa Bgy. Bacan sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, namili ng mga paninda sa loob ng grocery store si Gumban at nang magbabayad na siya sa kanyang mga pinamili ay dito na niya nalaman na nawawala ang kanyang pitaka na naglalaman ng P11,000 cash.
Kaagad ini-report ng biktima sa pulisya ang pagkakadukot sa kanyang pitaka.
Nagsasagawa na ang pulisya ng imbestigasyon para madakip ang nandukot sa pitaka ng biktima.



Comments