Ginang nabagsakan ng puno, dedbol
@Balitang Probinsiya | March 30, 2023
CAMARINES SUR—Isang 41-anyos na ginang ang namatay nang aksidenteng mabagsakan ng puno ng niyog kamakalawa sa open market sa bayan ng Balatan sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Sherla Betara, nakatira sa Bgy. Pagatpatan, Bato sa lalawigang ito.
Ayon sa ulat, habang namamalengke si Betara ay nabuwal ang isang puno ng niyog at aksidenteng nabagsakan sa ulo ang biktima.
Nabatid na nagtamo ang biktima ng malaking pinsala sa ulo.
Agad dinala ng mga saksi si Betara sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments