Ginang na pusher nasakote
- BULGAR
- Nov 3, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 3, 2022
CEBU—Isang ginang na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Mactan, Cebu City.
Ang suspek ay kinilalang si Arcelie Cortez, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang barangay,
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang barangay, kaya nadakip dito ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments