top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ginang na pusher, arestado

BULGAR
May 28, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 28, 2021


ISABELA—Isang 50-anyos na ginang na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Dubinan West, Santiago City.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan ito upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga kasamahan nito sa sindikato ng droga sa lungsod.


Napag-alamang nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng shabu ng suspek ay agad itong inaresto ng mga awtoridad.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page