@Balitang Probinsiya | ngayong Abril 2, 2024
BOHOL -- Isang ginang na drug dealer ang nadakip sa drug-bust operation ng mga operatiba kamakalawa sa Poblacion, Dauis sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Nilfa Limbo, 56, at residente ng Sucat, Parañaque City.
Nabatid na nadakip ang suspek matapos magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga otoridad ng halos isang kilo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.