Ginang kritikal sa bangga ng van
@Balitang Probinsiya | September 29, 2022
ALBAY—Isang ginang ang nasa kritikal na kondisyon nang aksidenteng mabangga ng van kamakalawa sa Bgy. Salugan, Camalig.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Mary Jane Garin, 25-anyos at residente ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nakatayo sa gilid ng kalsada si Garin nang aksidenteng mabangga ito ng van na minamaneho ni Lemuel Moran, nasa hustong gulang at nakatira rin sa naturang bayan.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa ito sa pagamutan.
Kusa namang sumuko sa pulisya si Moran na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to serious physical injury.



Comments