@Balitang Probinsiya | Enero 8, 2024
AKLAN -- Isang 49-anyos na ginang ang namatay nang pagsasaksakin ng dalawang hindi kilalang lalaki sa loob ng kanyang tindahan kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Kalibo sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Marissa Flores, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa pulisya, habang nagbabantay sa kanyang tindahan si Flores ay biglang pumasok ang dalawang suspek at biglang pinagsasaksak ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.
Comentarios