top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ginang, kinatay sa loob ng bahay

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 30, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 30, 2020



LAGUNA—Isang 36-anyos na ginang ang namatay nang tadtarin ng saksak ng hindi kilalang salarin kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Natividad, Pangil.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Aime Javier, nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nasa loob ng kanilang bahay si Javier, kasama ang kanyang 3-taong gulang na anak nang biglang pumasok ang suspek at agad pinagsasaksak ang biktima.


Sinabi ng mga saksi na hindi kilalang lalaki ang nakita nilang nagmamadaling lumabas sa bahay ni Javier at nang puntahan nila ay dito natagpuan ang duguang bangkay ng biktima.


Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page