Ginang, dinedbol ng 2 armado

@Balitang Probinsiya | January 13, 2021
MASBATE—Isang 53-anyos na ginang ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Concepcion, Aroroy.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilalang si Lina Montilla, nakatira sa Bgy. Tinago sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nakasakay umano sa pampasaherong jeep si Montilla nang harangin ito ng mga suspek at pinababa ang biktima saka pinagbabaril hanggang sa mapatay.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.
Kaugnay nito, nagpalabas na rin ng manhunt operation para madakip ang mga salarin.



Comments