Ginang, dedbol sa bumagsak na puno
@Balitang Probinsiya | May 16 2021
PANGASINAN—Isang 49-anyos na ginang ang namatay nang mabagsakan ng natumbang puno kamakalawa sa Bgy. Pantay, Bugallon.
Ang biktima ay kinilalang si Mary Jean Vinluan, nakatira sa naturanga barangay.
Ayon sa ulat, habang naglalakad si Vinluan ay sa hindi malamang dahilan ay biglang natumba ang puno ng acacia at bumagsak ito sa biktima.
Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima dulot ng pagkakabagsak ng puno.
Kaagad dinala ng kanyang mga kamag-anak si Vinluan sa pagamutan, pero namatay ito habang ginagamot sa ospital.



Comments