top of page
Pokwang.jpg

GF na itinakas ng mga kaanak, dapat sunduin dahil makakatuluyan

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| December 8, 2020




KATANUNGAN


  1. Ang problema ko ay inilayo sa akin ng mga kamag-anak niya ang girlfriend ko. Pinauwi kasi nila sa probinsiya ang girlfriend ko at ang buong akala nila ay wala na kaming komunikasyon. Pero alam ko ang buong detalye ng nangyari at alam ko rin kung saan siya itinago ng mga kamag-anak niya. Nasa probinsiya raw siya at sabi niya sa akin ay puntahan ko siya at magtanan na kami.

  2. Wala nang mga magulang ang girlfriend ko at ang nag-aalaga sa kanya ay ang mga tiyahin at tiyuhin niya na pinagmamalupitan siya. Mula nang inilayo siya sa akin ng mga kamag-anak niya at pinutol ang aming komunikasyon ay pinagmalupitan na siya at palaging ikinukulong.

  3. Sabi ng girlfriend ko, sunduin ko siya at sasama na siya sa akin dahil may stable work na ako at nasa tamang edad na kami. Ang gusto kong malaman ay kung tama ba na puntahan ko siya sa probinsiya nila at itanan ko na siya?

  4. Nalilito kasi ako sa ngayon kung dapat na ba akong mag-asawa o hindi pa at kung talaga bang compatible kami ng girlfriend ko na isang Pisces at Virgo naman ako?

KASAGUTAN


  1. Tutal, sa edad mong 28 at 24 na rin ang girlfriend mo, masasabing nasa legal age na kayo upang mag-asawa at gumawa ng mga bagay sa sarili n’yong pagpapasya.

  2. Kaya kung mahal mo talaga ang girlfriend mo at siya na ang gusto mong mapangasawa at ganundin naman siya — kung mahal ka rin niya at ikaw na ang gusto niyang mapangasawa, walang dahilan upang hindi mo sunduin ang girlfriend mo, saanman siyang probinsiya naroon upang magsimula kayo ng sarili n’yong pamilya.

  3. Samantala, kayo ang magkakatuluyan ng kasalukuyan mong girlfriend, anuman ang mangyaring problema sa inyong pagmamahalan. Ito ang nais sabihin ng maganda at maayos na kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  4. Kaya tulad ng nasabi na, puwede mo na siyang puntahan sa probinsiya o saanmang lugar siya itinago ng kanyang mga kamag-anak. Sapagkat tiyak na ang magaganap, hindi na maaawat ang pagmamahalan n’yo na madali namang kinumpirma ng maayos at maganda ring Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) na nagsimula sa Bundok ng Kaligayahan (arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na, maaaring ngayon lang may problema sa inyong relasyon, pero kapag ikinasal na kayo at nagsama, matitiyak ang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

DAPAT GAWIN


Habang, ayon sa iyong mga datos, Daren, anuman ang mangyari at iyong pasya, sa bandang huli, tiyak pa rin na kayo ng kasalukuyan mong girlfriend ang nakatakdang magsama at bumuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya, na nakatakdang maganap sa susunod na taong 2021, sa buwan ng Agosto o Setyembre, sa edad mong 28 pataas at 25 pataas naman ang girlfriend mo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page