top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

GCQ hanggang December — NCR mayors

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 19, 2020
  • 2 min read

ni Lolet Abania | October 19, 2020




Iminumungkahi ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) ang pagpapalawig ng general community quarantine (GCQ) sa kani-kanyang lugar nang hanggang December, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Sa naganap na Palace briefing ngayong Lunes, ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, nais ng mga mayors na dahan-dahan ang pagpapagaan ng restriksiyon sa kanilang lugar dahil mayroon pa ring banta ng Coronavirus.


“'Yung ginawa po natin diyan na plano is GCQ hanggang end of the year kasi sabi po ng mga mayors natin, mas madali 'yung magluwag unti-unti kesa MGCQ kaagad na 100%, saka tayo magbabawas,” sabi ni Garcia.


“Ibig sabihin, gradual po lahat ng increase depende po sa sitwasyon. At nakita naman po natin lahat po ng hiniling ng economic team, ibinibigay ng NCR mayors.”


Ayon kay Garcia, tutol lamang ang mga alkalde sa muling pagbubukas ng mga sinehan, pagsasagawa ng concerts at pagkakaroon ng Christmas parties ng mga pribadong sector.


Sa naging pahayag naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inirerespeto ng Palasyo ang rekomendasyon ng mga Metro Manila mayors.


“We respect that po kasi nakikipag-usap naman po palagi ang mga IATF secretaries sa Metro Manila mayors in particular si [Trade] Secretary [Ramon] Lopez is always engaged in dialogue with the Metro Manila mayors,” sabi ni Roque.


“Ang nangyayari po kasi ngayon, bagama’t naka-GCQ ang Metro Manila, eh, nagkakaroon po tayo ng mas malawak na pagbubukas ng mga industriya na 'yan na kinakailangan at 'yan po ay kabahagi po noong ating mensahe na kinakailangang pag-ingatan ang buhay para makapaghanapbuhay po,” dagdag ni Roque.


Samantala, 17 alkalde ang regular na nagbibigay ng rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF) sa gusto nilang ipatupad na quarantine classification sa nasabing rehiyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page