top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Gayuma (25)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 16, 2024
2 min read

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Enero 16, 2024




 

“Ang kapal naman ng mukha n’yan!” Gigil na sigaw ng publiko.


Kahit na siya ang direktang sinasabihan ng mga ito, wala siyang pakialam dahil nakakulong siya ngayon sa katawan ni Princess. At kaya nga inilagay niya ang kanyang picture dahil hindi naman siya ang maaakusahang pangit at mang-aagaw. 


Sa pamilya ni Princess, dalawa lang ang hitsura ng tao at ‘yun ay ang maganda at ang isa naman ay pangit. Sa paningin ng lahat, si Princess ang maganda habang ang tunay na Princess na nasa katauhan ni Baninay ay pangit. Ngunit, parang nilapirot ang kanyang puso, kailanma’y hindi siya nasabihan ng pangit pero ngayon ay halos mabingi na siya sa pagsigaw ng publiko.


Sa tuwing lalabas si Princess sa telebisyon na nagpapaawa, si Baninay na tunay na Princess ang laging napuputukan ng masasakit na salita, kaya hindi na siya lumalabas ng bahay. At dahil nga nasa iisang bahay lang sila ni Gabriel ang inaakala ng lahat ay nag-live-in na sila. 


Sabi rin kasi ng kanyang mga magulang na si Gabriel na ang bahala sa kanya. Tiyak kasi ng kanyang ama at ina na siya ay magiging safe kung ang kanyang nobyo ang kanyang kasama. Kahit tuloy parang hinahaplos ang kanyang puso sa pagmamahal na ipinapakita ng kanyang magulang, hindi pa rin niya maiwasan ang makaramdam ng takot. Sa unang pagkakataon kasi ay siya ang kontrabida sa paningin ng mga ito. Kapag lumalabas siya, may mga nagmumura sa kanya, lalo pa’t nakikita ng mga ito na si Gabriel ang lagi niyang kasama. 


“Awa lang naman ang dahilan kaya pinagtitiyagaan ‘yan ni Gabriel,” buwisit na sabi ng madla.“Bakit ba hindi na lang siya magpakamatay?” sulsol naman ng iba. 


“Paano siya magpapakamatay kung nasa kanya si Gabriel?” Naghahamong tanong ni Princess. 


“Kailangan nating makuha si Baninay para pahirapan!” Dagdag pa nito.


Itutuloy…

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page