top of page
Search
BULGAR

Gayuma (23)

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Enero 14, 2024




 

Gilalas na nilingon ni Princess si Gabriel. Masakit para sa kanya kung talagang mangyayari ang sinasabi ng kanyang ina. Ngayon palang ay parang dinudurog na ang kanyang puso. 


“Pakakasalan mo ba si Princess?”


“Ikaw ang tunay na Princess, hindi ba?” 


“Paano n’yo nasabi na masasaktan lang ako ni Baninay, kapag pumayag kang magpakasal sa kanya?”


“Dahil iyon na ang ibig sabihin na naagaw na ako ni Baninay,” wika nito. 


“At hinding-hindi mangyayari iyon!”


Kahit na nasisiyahan siya sa winika ni Gabriel, hindi pa rin niya maiwasan ang magtaka.


Kapag kasi gusto mo talagang maangkin ang pag-ibig ng isang tao, kailangan mo rin itong ritwalan. Sa palagay niya ay hindi iyon ginawa ni Baninay. 


“Hindi ka pa rin nakasisiguro,” wika naman ng kanyang ama. 


Napakaseryoso nito habang sumusulyap sa kanila ni Gabriel. Parang hanggang ngayon ay hindi pa ito makapaniwala na siya ang anak nito dahil pinakatitigan sila nito nang husto. 


Kunsabagay, talaga naman hindi kataka-taka kung mapapangiwi ang kanyang ama. Ang mga magulang niya kasi ay malaki ang pagpapahalaga sa pisikal na hitsura. Naniniwala kasi ang mga ito na kung hindi maganda ang iyong hitsura, hindi ka rin magugustuhan ng mga taong nakapaligid sa iyo. 


“Ano hong ibig n’yong sabihin?” Tanong ni Gabriel. 


Malalim na buntong hininga naman ang pinawalan nito at sabay sabing, “Madaming paraan na magagawa si Baninay bilang Princess para mapapayag ka sa gusto niya, kaya kailangan mo ring mag-ingat. Puwede niyang sirain ang career n’yo ni Princess.”


Sa kaisipang iyon ay bigla siyang kinabahan at hindi rin natapos ang araw na iyon, nagpa-presscon si Baninay para sabihing wala na sila ni Gabriel. Nakipagkalas umano si Gabriel dito dahil nagayuma ito. 

 

Itutuloy…

 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page