top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Gayuma (22)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 13, 2024
1 min read

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Enero 13, 2024




Nakaramdam si Princess nang pangingilabot sa sinabi ni Baninay. Batid kasi niyang hindi ito nagbibiro. Matindi rin ang galit nito sa kanya, kaya nakakasiguro siyang kaya itong gawin ng dalaga. 


“Ayokong mamatay,” wika niya.


“Hindi mangyayari ‘yan,” mariing sabi Gabriel. Muli siyang niyakap nito. 


Hindi man niya alam kung papaano siya nakabalik sa kanila, ang mahalaga sa kanya ngayon ay kasama niya na ang kanyang pinakamamahal. Ngunit, kahit sabik na siya sa kanyang mga magulang hindi niya ito magawang lapitan. Natatakot siya na baka ma-reject lang siya ng mga ito. 


“Anak, ikaw ba ‘yan?” Pagtatanong ng kanyang ina sabay lapit sa kanya. 


“Hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito,” naiiyak niyang sagot. 


Hindi niya pa matiyak kung disappointed nga ba ang kanyang ina sa kanyang hitsura.


Ngunit, bigla siya nitong niyakap at sabay hagulgol na para bang miss na miss siya. Ang kanyang mga magulang ay hindi showy, pero ngayon damang-dama niya ang pagmamahal ng mga ito. 


“Hindi ako papayag na ganyan ang maging hitsura mo,” wika ng kanyang ina. 


“Dahil hindi na ako maganda?” Tanong niya rito. 


“Dahil hindi ikaw ‘yan, hindi ko hahayaang ma-trap ka sa katawan na hindi naman sa’yo.”


“Kailangan na nating mapigilan si Baninay.”


“Hahanapin ko siya.” Sambit ni Gabriel.


“Huwag kang umalis,” wika ng kanyang ama. 


“Baka mahuli na ang lahat kapag hindi natin siya nakita,” 

“Hindi niya magagalaw si Princess hangga’t hindi ka pumapayag na pakasalan siya,” buong katiyakang sabi ng kanyang ina.


Itutuloy…


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page