top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Gayuma (21)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2024
1 min read

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Enero 12, 2024




Biglang nakaramdam ng takot ni Princess sa sinabi ni Baninay. Batid kasi niya na seryoso ito sa kanyang binitiwang mga kataga. 


“Ikaw ba talaga si Princess?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Gabriel. 


“Hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong na ‘yan dahil alam kong nararamdaman mo ang kasagutan. Sundan na natin si Baninay,” natatarantang sabi ni Princess. 


“Bakit pa? Tanggap ko naman kung ano at sino ka ngayon.”“Kapag pinatay niya ang katawan ko, wala na akong babalikan. Paano ko pa magagawa iyon kapag sinira na niya?” 


“Hindi ka mananatili sa katauhan na ‘yan?” Mangha nitong tanong. 


“May sarili akong katawan, at dapat nandu’n ako.”


Hindi nakakibo si Gabriel, tiyak na naisip din nito na tama ang kanyang sinabi at sabay sabing. “halika na.”


“Saan?” 


“Sundan na natin si Baninay.”


Nang tumango siya, agad nitong kinuha ang kanyang kamay at sabay hinila sa kanya. Kahit na natataranta, hindi niya napigilan ang mapangiti dahil magkasalikop ang kanilang mga palad. 


“Kailangan nating mabawi sa kanya ang katawan ko.”


Subalit paglabas nila, hindi na nila nakita ang babae na para bang sinabing, “magtaguan muna tayo, kapag hindi n’yo ako nakita, mamatay si Princess.”


Itutuloy…


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page