Gastos now, pulubi later… Deserve ka nang deserve, may ipon ka ba?
- BULGAR
- Feb 17, 2022
- 1 min read
ni Mharose Almirañez | February 17, 2022

“Deserve” ang bukambibig ng mga kabataan nowadays. ‘Yung kapag may pinagdaraanan silang problema, sasabihin nila, “Deserve ko naman, kaya bibili ako nito,” “Kakain ako nito, pupunta ako rito—kasi deserve ko.”
Oo, lahat tayo ay deserving na bigyan ng rewards ang sarili. Masarap nga naman kasi sa feeling kapag nasa-satisfy ang wants natin. ‘Yung napu-fulfill ang cravings natin. ‘Yung kahit last money na, gagastusin pa rin natin, kasi nga deserve natin ‘yun.
Ayon sa financial expert na si Chinkee Tan, hindi masamang gumastos, ang masama ay ‘yung puro ka gastos pero wala ka namang ipon. Ang “Deserve ko ‘to” mindset ay isang pag-uugali na kapag kinunsinti ay maaaring makapagpalubog sa ‘yo sa utang.
Halimbawa:
Minimum wage earner ka at trip mong bilhin ‘yung tig-P17,000 na cellphone, siyempre, obvious namang hindi mo ‘yun afford nang isang bagsakan. Pero dahil sa “Deserve ko ‘to”, bibilhin mo pa rin ‘yun sa pamamagitan ng 6 months installment plan.
Sabihin na nating stressed ka buong linggo, kaya ka mag-i-stress eating at mag-a-unwind sa kung saang lupalop. Pero deserve rin ba ‘yan ng wallet mo? Kumusta naman ang savings mo? May extrang budget ka ba para sa mga ‘yan?
Ang totoo niyan, wala naman sa laki o liit ng sahod ang problema, kung hindi nasa taong nagha-handle. Kailangan mong maunawaan na hindi dapat kinasasanayan ang walang habas na paggastos. ‘Wag kang pasosyal na porke uso ay makikiuso ka rin, kahit can’t afford naman. ‘Wag kang trying hard, matuto kang magtipid at mag-ipon para hindi ka mamulubi later.
Indeed, mas masayang magkaroon ng peace of mind kung may ipon at napaghandaan ang kinabukasan. Lahat naman tayo deserving, eh!








Comments