top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Galing sa dance party, natagpuang patay

BULGAR
Dec 6, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 6, 2022


CAMARINES SUR—Isang lalaki na galing sa dance party ang natagpuang patay kamakalawa sa Bgy. Lamon, Goa.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Rolando Romero, 30-anyos, nakatira sa naturang barangay.


Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima sa gilid ng kalsada.


Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay wala namang nakita na palatandaang pinatay ang biktima dahil wala itong sugat sa ulo at katawan.


Gayunman ay patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid kung may naganap na foul play o atake sa puso ang ikinamatay ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page