top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Gabbi Garcia, pinatulan ang nagsabi sa kanya ng “bobo” sa pagsuporta sa ABS-CBN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 13, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | July 14, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Sinagot ni Gabbi Garcia ang isang basher na nagsabi sa kanya na ‘bobo’ matapos ang tweet niya noong July 11, na humihingi siya ng dasal sa libu-libong Pinoy na nawalan ng trabaho. “Goodnight guys. Pakisama sa inyong dasal ang libo libong mga Pilipino na nawalan ng trabaho. wag kakalimutan,” tweet ni Gabbi noong Sabado.


Sinundan pa ni Gabbi ng isang tweet tungkol sa heartless people sa panahon ng pandemya, na parang ang tinutumbok ay mga congressmen na nagbasura sa franchise ng ABS-CBN. “Pakisama rin sa inyong mga dasal ang mga taong walang puso at konsensya. Lalo na sa panahon ng pandemya,” sabi ng aktres.


Hindi ito pinalagpas ng isang basher na nagsabi: “Hindi po sila pinutulan Ng paa at kamay Hindi din sila binulag para Hindi makapag trabaho o kumita Ng pangkabuhayan Nila. Bobo Lang! Idol ko lahat Ng kapuso pero Kung gusto nyo sumama sa ABS CBN Sana mapasara n din Ang GMA7.”


Ang tweet na iyon ay reposted ni Gabbi at sinagot naman niya ng bonggang-bongga. “Isang walang pusong troll,” sabi ni Gabbi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page