Frontliners, pagbutihin daw ang trabaho, ekonomiya, di puwedeng bumagsak…
- BULGAR

- Aug 3, 2020
- 2 min read
JENNYLYN, VICE AT IBA PA, SINOPLA SI SEN. CYNTHIA
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 3, 2020

Hindi lang ang mga netizens kundi pati mga celebrities ay nag-react sa kontrobersiyal na statement ni Sen. Cynthia Villar last Saturday tungkol sa ating mga medical frontliners and health workers.
Sa isang panayam ay natanong kasi ang senadora kung pabor siya na sumailalim ulit ang bansa sa ECQ (Enhanced Community Quarantine) nahiling ng ating mga doctors, nurses and frontliners.
“Hindi na siguro. Pagbutihin nila (frontliners) trabaho nila. Hindi puwedeng isara ang ekonomiya kasi kung ‘di na man mamamatay sa COVID, mamamatay naman sa gutom ang tao,” sagot ni Sen. Villar.
Ang daminghindisumang-ayon sa statement ng senadora at nakatanggap siya nang katakut-takot na pamba-bash. Ilang sandali nga lang after the remark ay nag-trending naagadsiya sa Twitter.
Hindi rin nakapagpigil ang ilang artista at nagpahayag din ng kanilang reaksiyon hinggil sa sinabi ng public servant.
Komento ni Enchong Dee, “Insensitive. Out-of-Touch. Billionaire.”
Sunud-sunod din ang tweets ni Jennylyn Mercado.
Sagot ni Jen sa “Pagbutihin ang trabaho” statement, “Kayo din po.”
Bukod dito ay humingi siya ng dispensa at nagpasalamat sa mga frontliners.
“Thank you to our medical frontliners. Without you,matagal na tayong talo sa laban against this virus. You deserve so much more than this. We are so sorry...” tweet ni Jen.
Isa pang mensahe ng aktres para sa senadora, “Sen, with all due respect po, you don’t get to comment about the work na ginagawa ng ating medical frontliners until you are able to experience what it’s like to be in their shoes. Sen...Be better because our Heroes Deserve better.”
Sina Vice Ganda at Bianca Gonzales ay nagpahayag din ng pakikisimpatya at suporta para sa mgafrontliners.
“More love. More appreciation. More respect. ‘Yan ang deserve ng mga FRONTLINERS ngayon. Bukod sa mas mataas na kompensasyon at benepisyo.
“Maraming salamat sa mga frontliners na nasa Medical field!!! ‘Di ko man matanggal ang mga pagod at hirap ninyo,mapasalamatan ko man lang kayo. Iba ang sakripisyo ninyo. Mula sa puso ko, gusto kong sabihing God Bless You at MABUHAY kayo!” ang magkasunod na tweets ni Vice Ganda.
Tweet naman ni Bianca, “Maraming salamat sa inyong mga medical practitioners at the frontlines. We pray for you tonight as we do every night. My daughter memorizes it, "Thank you God for the doctors and the nurses who protect us from the coronavirus."
Tweet pa niya ulit, “I stand with our health workers. I stand with our people.”
Halos ganito rin ang tweets ni Jason Abalos. Aniya, “Sa lahat ng medical frontliners, salamat sa hindi pagsuko at pakikipaglaban sa COVID para sa mga Pilipino.”
Isa pa niyang tweet, “Ang puwede nating maging tulong na magagawa sa mga healthcare workers ay ang hindi na maging dagdag pa sa mga inaasikaso nila. Pls... mag-ingat tayo at ‘wag mahawa o ‘wag makahawa, alagaan natin ang isa’t isa.”




Comments