top of page
Gary V. - IG.jpg

Forklift operator, niratrat

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 8, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 08, 2023


ILOILO -- Isang forklift operator ang namatay nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Bancal, Alimodian sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ay nakilalang si Carlo Aleta, 44 at residente ng Lapuz District, Iloilo City sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, habang lulan ng kanyang sasakyan si Aleta ay biglang sumulpot ang mga salarin at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na si Aleta.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page