Fixer sa LTO nasakote
@Balitang Probinsiya | December 10, 2022
CAMARINES SUR—Isang fixer sa Land Transportation Office (LTO) ang dinakip sa isinagawang entrapment operation kamakalawa sa Naga City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jay-ar Hernandez, nasa hustong gulang at residente ng Bgy. Sabang sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na fixer sa LTO office sa Naga City si Hernandez, kaya nagsagawa ng entrapment operation ang mga awtoridad.
Nabatid na ilang operatiba ang nagpanggap na kukuha ng lisensya at nang sabihin ni Hernandez na siya ang mag-aasikaso at nang iabot sa kanya ang pera ay dito na dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9845 o Anti-Red Tape Act.



Comments