top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Fixer arestado sa entrapment operations

BULGAR
Nov 7, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 7, 2022


SORSOGON—Isang fixer sa pantalan ang dinakip sa isinagawang entrapment operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Manjumlad, Matnog.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Enrique Montemayor, nasa hustong gulang at residente ng Bgy. Sinibaran sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na naniningil si Montemayor ng P6,500 sa mga may-ari ng mga sasakyan na nais maisakay agad sa barko ang mga dala nilang behikulo.


Dahil dito ipinagbabawal ang fixer sa pantalan, nagplano ang mga awtoridad ng entrapment operation laban kay Montemayor dahilan kaya nadakip ang suspek.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9845 o Anti-Red Tape Act.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page