top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Fishpond caretaker, huli sa baril

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 11, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 11, 2023


ILOILO -- Isang fishpond caretaker ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng tatlong baril at mga bala kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Luca, Ajuy sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Anthony Animas, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na barangay.


Nabatid na sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant ang bahay ni Animas at dito nakumpiska ang isang baril na kalibre .45 pistola, isang kalibre .38 revolver, isang M16 revolver at mga bala.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin ng mga operatiba.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa 3-counts ng kasong illegal possession of firearms and ammunitions.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page